Naghatid ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Pag-asa Island na sakop ng Palawan.
Sakay ng BRP Capones ang mga relief supplies at inuming tubig para sa tinatayang 300 pamilya sa nabanggit na isla.
Bukod sa mga food supplies, nagdala rin ang PCG ng construction materials tulad ng hollow blocks, mga semento at iba pa na gagamitin sa pagkukumpuni ng mga nasirang PCG station sa kalayaan sa Pag-asa Island na winasak ng bagyo.
Samantala, namahagi din ang ahensya ng munting regalo para sa mga kabataang nasa isla ngayong pasko. —sa panulat ni Angelica Doctolero