Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na kailangan madalhan ng mga tubig, pagkain at hygiene kits ang mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Iginiit ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG na nagbigay ng tulong ang BRP Sindangan sa lalawigan ng Siargao PAR sa mga residente na naapektuhan ng naturang bagyo.
Bukod dito, sinabi ni Balilo na kung mayroon pang mga turistang na stranded sa siargao ay kukunin na rin umano nila para makabalik sa kanilang mga lugar.
Aniya, nakausap nila ang ilan sa mga ito kung saan naka alis na rin ang iba dahil mayroon nang mga barkong maaari nang makalayag.