Halos 30,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa nakalipas na anim na oras.
Alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-sais kaninang umaga , nasa mahigit 27,000 na ang namonitor nilang outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.
Sa Southern Tagalog, nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng pasahero na umabot sa halos 8,000 at kabilang dito ang mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon.
Sa Central Visayas, nasa mahigit 5,000 na ang naitatalang pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu at Camotes habang sa South Eastern Mindanao ay nasa mahigit 5,000 rin ang mga pasahero sa pantalan ng Davao at Igacos.
Marami ring pasahero ang bumiyahe sa Western Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Eastern Visayas at Southern Visayas.
Tiniyak ng PCG ang tuluy-tuloy na monitoring sa mga bumabiyaheng pasahero sa lahat ng pantalan sa ilalim ng ‘Oplan Byaheng Ayos: Undas 2019’.