Itinaas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa heightened alert status ang kanilang pagbabantay sa gitna ng nalalapit na Semana Santa at summer vacation.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na kanila nang ikinasa ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa & Summer Vacation 2021.’
Kasunod nito, inatasan ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr., ang lahat ng kanilang tanggapan ng magdagdag pa ng mga K9 units, medical teams, at ilan pang mga kagamitan na makatutulong sa kanilang mahigpit na pagbabantay sa iba’t-ibang pantalan para masiguro ang kaligtasan ng bawat-isa.
Bukod pa rito, ipinag-utos din ang pagpahahanda sa pag-uwi ng mga returning overseas Filipinos, mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) maging ang iba pang essential travelers.
Sa huli, tiniyak ng pcg na sisiguruhin ng kanilang mga tauhan na mahigpit na masusunod ang umiiral na health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lahat ng sulok ng kanilang binabantayang lugar.