Isasailalim sa heigtened alert ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang status simula sa Lunes, Abril 11 bilang paghahanda sa Semana Santa.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga pasaherong umuuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ayon kay PCG acting Commander Commodore Armand Balilo, layunin ng kanilang ahensya na matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero at makamit ang zero maritime incident ngayong holy week.
Magtatagal ang kanilang heightened alert hanggang sa Lunes ng pagkabuhay o sa Abril 18.
Samantala, nagpaalala naman ang PCG sa publiko na patuloy na sundin ang ipinatutupad na health at safety protocols dahil hindi parin nawawala ang kaso ng COVID-19. – sa panulat ni Angelica Doctolero