Handa na ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Northeastern Mindanao, sa gitna ng malawakang pag-ulan sa CARAGA region.
Ayon sa PCG, inihanda na nila ang kanilang deployable response group para agad na makatulong sa lokal na pamahalaan, partikular sa paglikas ng mga pamilyang maaapektuhan ng sama ng panahon.
Maliban sa pagbaha, nakaalerto rin ang hanay ng PCG sa posibleng landslide na maganap sa rehiyon.
Nitong nakalipas na mga araw, ilang bahagi na ng CARAGA region at iba pang lugar sa Mindanao, ang nakaranas ng pag-ulan bunsod ng low pressure area at shear line.