Nakakita ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong ebidensiya sa posibleng dahilan ng sunog sa MV MERCRAFT 2 sa Real, Quezon noong nakaraang linggo.
Ayon kay Admiral Artemio Abu, Commandant ng PCG, maraming highly combustible materials ang natagpuan nila sa deck ng barko.
Kasabay ng init ng panahon, posibleng sumiklab ang naturang materyales dahilan ng sunog na kumitil sa buhay ng pitong pasahero.
Hindi naman tinukoy ng opisyal ng PCG kung anong klase ng materyales ang nagliyab sa barko.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PCG at MARINA sa pagsabog na sinundan ng sunog.