Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 29,680 Outbound passengers at aabot sa 29,358 Inbound passengers sa mga pantalan sa buong bansa sa gitna ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong ba-biyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya, nagdeploy ang PCG ng aabot sa 2,193 na mga tauhan sa 15 PCG Districts para mag-inspeksyon sa 213 na mga sasakyang pandagat at 505 na Motorbanca.
Sa ngayon naka heightened alert parin ang PCG sa mga District, Stations, at Sub-stations mula pa noong Abril a-8 na tatagal hanggang a-18 bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan sa panahon ng Semana Santa. —sa panulat ni Angelica Doctolero