Papalo na sa mahigit 20,000 ang naitalang pasahero ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y mula sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022.
Batay sa inilabas na datos ng PCG, nasa 12,771 ang bilang ng outbound passengers habang nasa 8,880 ang inbound passengers.
Samantala, nagpakalat na ang pcg ng 2,331 na personnel kung saan sumailalim sa kanilang inspeksyon ang 113 vessels at 89 na motorbanca.
Tiniyak naman ng PCG na naipatutupad pa rin nila ang implementasyon ng health protocols kontra COVID-19. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)