Namahagi ng tulong ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 50 pamilya sa Barangay Aya sa Talisay Batangas na nawala ng tirahan dahil sa patuloy na pagtaas ng alert level ng Taal Volcano.
Sa pagbisita ng PCG sa Batangas, nakasama nitong mamahagi ng mga food packs at ibang kagamitan ang iba’t-ibang sangay ng kanilang ahensya.
Sa huli, nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na patuloy na tumutok sa anumang impormasyon o babala ng pamahalaang lokal hinggil sa sitwasyon ng bulkan.