Maglalagay ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Navigational Lanterns sa mga Critical Lighthouse sa Batanes.
Ayon kay PCG deputy Commandant for Operations Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., ilalagay ang mga ito sa Sabtang, Mahatao, Ivana, at Valanga Lighthouses.
Sinabi ng PCG na ang navigational lanterns ay magsisilbing gabay ng mga motorbancas at barko upang matiyak ang ligtas na paglalayag ng mga ito.
Nagsagawa ang pcg ng send-off ceremony para sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) noong Sabado para isagawa ang nasabing operasyon.