Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nawawalang pasahero sa nasunog na roll-on/roll-off ship na MV Asia Philippines.
Ayon sa PCG, natagpuan na ang 47 pasahero at 38 crewmen ng naturang passenger vessel.
Pahayag ng ahensya, ang dalawang pasahero na naunang idineklarang missing ay sumakay ng 3pm vessel trip at hindi ang 5pm na byahe ng barko.
Samantala, isang 43-year-old na ginang ang isinugod sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa katawan matapos ang nangyaring sunog.
Walang namang ibang barko na nadamay sa nangyaring fire incident na umabot ng tatlong oras bago tuluyang naapula.