Patuloy na nag-iinspeksiyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga sasakyang pandagat na naghahatid ng mga pasahero mula sa ibat-ibang mga probinsya pauwi ng Metro Manila.
Ito ay para masigurong nasusunod ng mga pasahero ang health and safety protocols na ipinatutupad sa bansa.
Ayon sa PCG, nasa 28, 240 ang bilang ng mga outbound passengers habang 32, 598 naman ang bilang ng mga inbound passengers sa mga pantalan.
Layunin kasi ng ahensya na makontrol ang pagkalat ng virus dahil hindi parin natatapos ang COVID-19 pandemic.