Patuloy na nakamonitor ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga inbound at outbound passengers sa mga pantalan matapos ang holiday activities.
Ayon sa PCG, naka-deploy ang nasa 1,646 na PCG Personnel upang mas paigting ang “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021” matapos makapagtala ng kabuuang 29,315 na outbound passengers at 24, 404 inbound passengers habang nakapagtala din ng 197 inspected vessels at 291 inspected motorbancas.
Nagpaalala naman ang pcg sa mga pasahero na manatiling naka-alerto at sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad sa mga pantalan at iba pang sasakyang-pandagat upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.—sa panulat ni Angelica Doctolero