Patay ang isang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang barilin sa Sual, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si PCG Apprentice Seaman Angelo Martinez, 23-anyos.
Ayon sa Coast Guard, nag-usap pa si Martinez at ang salarin, bago barilin si Martinez sa bibig at bumulagta sa kanyang motorsiklo.
Narekober sa Crime Scene ang dalawang basyo ng Cal.9 mm pistol.
Sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Martinez pero agad din itong binawian ng buhay. —sa panulat ni Mara Valle