Magpapakalat ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga istasyon ng LRT at MRT.
TINGNAN: Kaganapan sa PCG Task Force Laban COVID-19 Command Center
24/7 ang pagbabantay at pagpaplano ng mga officers at personnel ng PCG kaugnay sa deployment ng PCG Task Force Laban COVID-19 sa anim na Integrated Advance Command Posts (IACPs) sa National Capital Region. pic.twitter.com/DYYDXZyDzc
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) March 16, 2020
Ayon sa PCG, 24-oras na pagbabantay ang kanilang isasagawa, katuwang ang mga tauhan ng kanilang task force laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa anim na integrated advance command posts sa National Capital Region (NCR).
Limang PCG personnel ang idedeploy sa bawat isatasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 simula ngayong Lunes.
Pangunahing layunin ng naturang hakbang ng PCG ang maisaayos ang pagpapatupad ng ‘social distancing’ sa mga istasyon ng tren.