Binalaan ng Philippine Coast Guard ang mga biyahero sa pagtangkilik sa mga colorum passenger vessels ngayong semana santa at tag-init.
Ayon kay PCG Commandant, Rear Admiral William Melad, pelgiroso para sa mga pasahero ang mga colorum vessel lalo’t hindi rehistrado ang mga ito, kulang sa mga kailangang dokumento at hindi tumatalima sa safety standards ng maritime industry authority.
Sinasamantala rin anya ng ilang may-ari at operator ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat ang malaking bilang ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa mga lalawigan partikular sa mga tourist destination.
Inihayag ni Melad na walang mga insurance para sa mga pasahero ang mga colorum vessel at life vest maging ang iba pang life saving devices.
Binuksan naman ng P.C.G. ang kanilang 24-hour hotline na 0917-724-3682 at 0918-803-8353 na maaaring tawagan upang isumbong ang anumang concern, inquiries o i-report ang m`ga illegal operation ng mga passenger ferry.
By: Drew Nacino