Sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglilibot sa Manila Bay at Pasig River upang tiyakin ang seguridad sa nalalapit na ingurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa June 30.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, nakatakda silang mag-deploy nang mas marami pang tauhan bukas.
Dagdag niya, mayroon ding Multi-Role Response Vessels (MRRV) na itatalaga sa magkakaibang shift.
Una nang sinabi ng PCG na magpapatupad ito ng no-sail zone sa bahagi ng Pasig River malapit sa Malacañang sa naturang araw.
Sinabi rin ni Lieutenant Commander Michael Encina na ang pagsasara ng Malacañang Restricted Area ay magmumula sa Hospicio De San Jose hanggang sa Pureza, Santa Mesa, Manila.