Tagumpay umanong nakapaglagay ng limang marker ang Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea.
Ito ayon sa PCG ay para matulungan ang mga barko at mangingisda sa paglilibot sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Kabilang sa mga nilagyan ng tig- isang marker ng Coast Guard ang malapit sa Lawak Island, Likas Island at Parola Island at dalawang marker malapit sa Pag-Asa Island.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu na wala namang naganap na anumang tensyon o negatibong reaksyon ang Chinese Coast Guard bagamat mahigpit itong naka-monitor sa lugar.