Handang makipag-tulungan ang Presidential Commission on Good Government sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice kaugnay sa tago umanong yaman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito ang tugon ni P.C.G.G. Acting Chairman Reynold Munsayac sa mga alegasyon ni Patricia Paz-Bautista na may mga iregularidad na ginawa ang mister na si Chairman Bautista noong ito ang chairman ng P.C.G.G.
Sa affidavit ni ginang Bautista na inihain sa National Bureau of Investigation, isiniwalat nito na mayroong mga ghost employee sa P.C.G.G. noong pamunuan ito ng kanyang mister.
Tumanggap din umano ng komisyon sa isang law firm ang poll body chief dahil sa pag-rekomenda ng mga kliyente maging ng dalawang sequestered companies ng P.C.G.G.
Si Bautista ang naging Chairman ng PCGG bago italaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa COMELEC noong 2015.