Gagawin lahat ng PCGG para mabawi ang mga dapat bawiin na umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Iginiit ito ni PCGG acting chair Reynold Munsayac matapos matalo ang gobyerno sa hinahabol nitong limang kaso ng umanoy ill-gotten wealth cases laban sa pamilya Marcos.
Pinakahuli rito ang 200-B forfeiture case na kinabibilangan ng bank deposits, real properties, companies, radio at television stations at aircraft na nasa Pilipinas at ibayong dagat.
Sinabi ni Munsayac na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General (OSG) para masigurong magagamit ang lahat ng paraan para maprotektahan ang interes ng gobyerno.