Nagbigay ng mga dokumento ang PCGG o Presidential Commission on Good Government sa Department of Justice o DOJ na maaaring magamit sa imbestigasyon kaugnay ng hinihinalang tagong yaman ni COMELEC o Commission on Elections Chief Andres Bautista.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakipagpulong na siya kina PCGG Acting Chairman Reynold Munsayac at Commissioners Rey Bulay at John Agbayani na mayroon ding hiwalay na pagsisiyasat sa usapin.
Magugunitang inatasan na ni Aguirre noong Lunes ang National Bureau of Investigation o NBI na busisiin ang sinasabing ill-gotten wealth ni Bautista.
Hindi naman tinukoy ng Justice Chief kung anu-anong mga dokumento ang ibinigay ng PCGG sa kanya.
By Jelbert Perdez