Humingi na ng paumanhin si Presidential Communications Office o PCO Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ay kasunod ng mga natanggap na batikos dahil sa hindi pagsusuot ng hijab at hindi pagtatanggal ng sapatos nang pumasok sa Grand Islamic Center sa Marawi City kasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Sa kanyang ipinost na video sa kanyang facebook page, nilinaw ni Uson na wala siyang intensyon na hindi galangin ang mosque.
Ayon kay Uson, hindi napaghandaan ang kanilang pagpasok sa Grand Mosque dahil biglang umigting ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng teroristang grupong Maute habang papalapit sila sa frontline.
Binanggit din ni Uson na hindi lamang siya ang babaeng walang suot na hijab nang pumasok sa loob ng Grand Mosque.
Itinanggi rin ni Uson na kumukuha siya ng selfie at ipinaliwanag na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho na idokumento ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte.
—-