Nilinaw ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na wala siyang planong tumakbo sa 2019 Senatorial elections.
Ito ang binigyang diin ni Uson makaraang ihayag ni PDP-Laban Secretary-General at House Speaker Bebot Alvarez kabilang ang palace official sa Senatorial lineup ng partido para sa 2019 midterm elections.
Bukod kay Uson, sasabak din sa senatorial polls sina Presidential Spokesman Harry Roque at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.
Dumalo lamang anya sila nina Roque sa oathtaking ceremony ng mga bagong PDP Laban member alinsunod sa imbitasyon ni Presidential Assistant for Visayas Michael Dino at walang ideya sa anunsyo ni Alvarez.
Bagaman nagpasalamat si Uson sa pagkunsidera sa kanya bilang posibleng kandidato, tanging anyang si Pangulong Rodrigo Duterte ang makahihikayat sa kanya na tumakbo.