May itinakdang pamantayan ang Malacañang para sa mga bloggers bago payagang makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang nilinaw ng Palasyo kasunod ng inilabas na Department Order ng Presidential Communications Office o PCO na nagbubukas ng pintuan para sa social media practitioners o bloggers.
Ayon kay PCO Assistant Secretary Kris Ablan, may binuo na silang social media policies upang matiyak na patas ang lahat ng mga nagnanais mag-cover sa Pangulo.
Dapat aniya’y nasa ligal na edad o 18 taong gulang pataas at dapat may minimum followers sa social media na 5000 at bukas ito sa lahat, maging kritiko man o taga-suporta ng Pangulo.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Aileen Taliping)