Patuloy sa pamamahagi ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad sa Visayas at Mindanao ang Presidential Communications Office (PCO).
Katuwang ng PCO sa pamamahagi ng mga food at non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Field Office XI.
Kabilang sa mga nahatiran ng tulong ang mga pamilyang pinaka naapektuhan ng landslide partikular na sa Dolores, Eastern Samar at Brgy. Mainit, Maco, Davao de Oro na nakatanggap ng family food packs, hygiene kits, kitchen kits, sleeping kits at modular tents.
Umalalay din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) para sa mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.