Isinailalim sa reorganization ang PCO o Presidential Communications Office.
Batay sa inilabas na abiso ng PCO, hahawakan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang attached agencies na nangangailangan ng mga pangmatagalang reporma.
Samantala, si Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mangangasiwa sa lahat ng mga pahayag patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Agad na nilinaw ni Andanar na wala itong kinalaman sa isyu ng umano’y hindi pagkakaintindihan sa pagitan niya at ilang miyembro ng media.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping