Aminado ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kulang ang mga radio stations na pinatatakbo ng pamahalaan para sa blended learning sa pagbubukas ng klase.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, posibleng hingin nila ang tulong ng ibang radio stations lalo na yung mga aabot sa liblib na lugar.
Sa ngayon anya ay puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda sa mga radio stations ng IBC at ng PBS na kapwa pinatatakbo ng kanyang tanggapan.
Our radio stations are not enough kung babasehan mo sa kanilang transmission core so, merong mga option na either itaas ang transmission power nung AM from 10K to 50K, nandyan din yung option na mag-tap ng ibang radio stations para maabot yung mga lugar na hindi naabot ng PBS,” ani Andanar. — panayam mula sa Ratsada Balita.