Bumuwelta si Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson sa mga pumupuna sa kanya kaugnay ng pagkakamali sa lokasyon ng Bulkang Mayon.
Sa kanyang Facebook Account, inamin ni Uson na mali siya nang nasabi na nasa Naga City, Camarines Sur ang bulkan sa halip na sa Albay.
Humingi naman ng paumanhin ang Palace Official kasabay ng pahayag na kahit patuloy siyang kutyain sa pamamagitan ng social media ay hindi siya mapapabagsak ng kanyang mga kritiko.
Nagbanggit pa ng talata sa biblia si Uson gamit ang Ikalawang Corinto, bersikulo 12, 9 hanggang 10 na nagsasabing “dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, kutyain at magtiis, sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.”