Ipinauubaya na lamang ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kaso ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Gayunman, inamin naman ni Andanar na pinayagan naman nila si Uson na ituloy pa rin ang entertainment contracts bago pa man pormal na maitalaga sa PCOO.
Sinabi ni Andanar na tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Palasyo hinggil sa usapin.
Magugunitang binatikos ng netizens ang pagpe-perform ni Uson kasama ang Mocha Girls sa Resorts World Manila.