Pinabulaanan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagkakasangkot nito sa pag-share ng post sa kanilang facebook page ng false information tungkol sa ABS-CBN franchise.
Ayon sa national task force to end local communist armed conflict page, na nakasaad umano sa post na bigo umanong maaprubahan ang prangkisa ng giant network.
Pareho umanong na-share ang post sa radio television Malacanang o RTVM at sa PCOO ngunit agad ring tinanggal o binura.
Sinabi ni PCOO Sec. Martin Andanar, na hindi dumaan sa masusing pag-aaral ng kanilang tanggapan ang insidente ng resharing sa kanilang PCOO facebook page hinggil sa legal na sitwasyon ng ABS-CBN broadcast license.
Hindi aniya official statement o opinyon ng PCOO ang na-post na impormasyon.
Pahayag ni Andanar, nanatiling nasa kapangyarihan ng kongreso ang pagdedesisyon hinggil sa kung ano ang magiging kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN corporation.
Sinabi naman ng Office of the Presidential Spokesperson, na hindi rin opisyal na pahayag ng kanilang tanggapan ang na-ishare na posts patungkol sa nabanggit na usapin.