Magtatalaga ang Presidential Communications and Operations Office (PCOO) ng sibilyang Maranao Spokesperson para tumutok sa updates ng ginagawang opensiba ng gobyerno laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Ang hakbang ay bahagi ng plano ng PCOO na magtatag ng Mindanao Hour Communications Center sa Davao city.
Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na mga ganitong pagkakataon ay mahalagang mapalawak ang communication language mula national papuntang regional para maiwasang mabalewala ang mga apektado ng martial law.
Lahat aniya ng naprosesong impormasyon mula sa conflict area ay idadaan sa Mindanao Hour Communications Center sa Davao at sa Malacanang para sa regular press briefings sa Manila at Davao.
Pamumunuan ni Andanar ang Mindanao Hour Communications Center sa Davao habang ang Iligan Mindanao Hour Communications Center ay pamumunuan ni Harold Clavite, ang Director General ng Philippine Information Agency.
By: Aileen Taliping