Matindi na ang isinasagawang paghahanda ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa huling SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 26, araw ng Lunes.
Ayon sa PCOO, bago ang nakatakdang SONA ng Pangulo ay ipapalabas muna ang isang documentary na pinamagatang “Ang Pangulo”.
Dahil limitado lamang ang bisita na makakadalo sa Batasang Pambansa Hall, maglalagay din ng virtual live screening sa Malakanyang Palace na maaaring daluhan ng ilang gabinete at diplomats na hindi makaka-attend sa Batasan.
Samantala, si RTVM Director Danny Abad ang inatasang magdirek ng SONA habang magsisilbi namang SONA Committee Chairpersons sina PTV General Manager Kat De Castro at PCOO Sec. Martin Andanar.
Kasunod nito, patutugtugin din sa Lunes ang mga paboritong kanta ng Pangulo kung saan ang Philippine Philharmonic Orchestra ang syang aawit nito.
Kakanta naman ng ating National Anthem ang Asia’s Hhoenix na si Morissette Amon.
Kaugnay nito, naniniwala ang PCOO na magiging makabuluhan ang huling SONA at panunungkulang ni Pangulong Duterte.