Inihayag ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na sana maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyektong kanilang nasimulan sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Martin Andanar.
Ito ay ayon kay PCOO Undersecretary Kris Ablan sa kabila na din ng napipintong pagpapalit ng pangasiwaan sa naturang tanggapan.
Umaasa si Ablan na maituloy ang nasimulang mga proyekto gaya ng Visayas Media Hub na sa ngayon ay on-going ang construction.
Ani Ablan, masasayang anya kung hindi ito matutuloy lalo na’t natapos na ang Mindanao Media Hub.
Sana din anya maituloy ng susunod na pamunuan ng PCOO ang nasimulang Government Communications Academy Training na ang makikinabang ay ang mga information officers ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.