Paglaban sa karahasan sa mga mamamahayag ang panawagan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagdiriwang ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists, ngayong araw.
Ayon sa PCOO, ipinanawagan nila sa kanilang mga miyembro na gawin ang lahat para mapanagot ang mga responsable sa krimen laban sa mga mamamahayag at manggagawa sa media.
Magugunitaaniyang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Adminstrative Order No. 01 o ang Presidential Task Force on Media Security na may mandatong tiyakin ang kaligtasan at protektahan ang buhay ng manggagawa sa media. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Airiam Sancho