Papalitan ng incoming Duterte Administration ang kasalukuyang Presidential Communications Operations Office o PCOO na siyang in-charge sa government-owned media entities at koordinasyon sa private media.
Ayon kay incoming Communications Secretary Martin Andanar, ire-rename ang PCOO bilang Presidential Communications Office o PCO.
Idinagdag pa ni Andanar na sa halip na buwagin ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office na pinamumunuan ni Undersecretary Manuel Quezon the III ia-absorb na lamang ito sa ilalim ng PCO.
Ang mga nabanggit na tanggapan ay binuo ng Aquino Administration noong 2010.
By: Meann Tanbio