Nabigyan ng bagong puwesto si PCOO Secretary Martin Andanar.
Kinumpirma mismo ni Andanar ang pagtatalaga sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang CORDS o Cabinet Officer for Regional Development and Security ng Northern Mindanao.
Bilang bahagi ng kaniyang bagong tungkulin, ipinabatid ni Andanar na pinangunahan niya ang pag turn over ng 50 bahay sa mga residente ng Cabanglasan, Bukidnon.
Pinangunahan din aniya niya ang Joint Regional Development Council and regional peace and order council meeting.
Bukod sa kaniya, sinabi ni Andanar na itinalaga rin ng pangulo si Finance Secretary Carlos Dominguez bilang CORDS para sa Davao Region, National Security Adviser Hermogenes Esperon para sa Ilocos Region at Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa CARAGA Region.