Mananatiling bukas sa pakikipag-diyalogo si incoming PCOO Secretary Martin Andanar sa mga miyembro ng media.
Sa harap na rin ito ng nangyaring iringan sa pagitan ng mga ma-ma-mahayag at ni incoming President Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Andanar, handa naman siyang makipag-usap sa kaniyang mga kabaro ngunit kinakailangan muna nilang plantsahin ni incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo ang kanilang magiging Media Relations Strategy.
Magugunitang maanghang ang mga binitiwang pahayag ni Duterte tungkol sa media killings, kurapsyon sa media gayundin ang pagkasa nito sa panawagang boycott laban sa kaniya ng International Journalist Group.
By: Jaymark Dagala