Nakikidalamhati si Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar sa pamilyang Capco sa pagkawala ni dating Press Undersecretary Roberto “Bobby” Capco.
Sa isang statement, sinabi ni Andanar na maaalala si Capco sa pagsisilbi nito sa bansa bilang mamamahayag na may integridad at dedikasyon.
Ayon kay Andanar, mahalaga ang ginampanang papel ni Capco bilang integral communications operations planner at implementer na siyang namahala sa mga programa ng Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, at News and Information Bureau noong administrasyong Arroyo.