Ipinagtanggol ni PCOO Secretary Martin Andanar si PCOO Asst Secretary Mocha Uson matapos itong magkamali nang sabihing nasa Naga, Camarines Sur ang Bulkang Mayon.
Ayon kay Andanar, hindi naman sinasadya ang pagkakamali at wala naman itong kinalaman sa dedikasyon ni Uson sa paglilingkod sa gobyerno.
Aminado naman si Andanar na may karapatan ang publiko na maglabas ng opinyon tungkol sa pagakakamali ni Uson.
Nagtrending si Uson sa Social Media matapos niyang sabihing nasa Naga ang Mayon sa halip na sa Albay.
Humingi naman na ng paumanhin dito si Uson at itinama ang kanyang pagkakamali.