“Wala tayong trolls”
Ito ang iginiit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos mahayag ang umano’y pagha-hire ng tanggapan ng 375 Contract Of Service (COS) personnel noong 2020.
Ayon kay PCOO Undersecretary Kris Ablan, “highly technical” ang mga ginagampanang trabaho ng COS personnel.
Kabilang na rito ang pagiging videographers, editors, directors at social media specialists.
Giit ni Ablan, hindi katumbas ng social media specialists ang mga trolls.
Ani Ablan ang social media specialist na tinutukoy ng COA ay kanilang mga graphic artists na gumagawa ng socmed cards, infographics kung saan nakasaad ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa programang PhilSys, COVID-19 response at bakuna.
Batay sa annual report ng COA, tinukoy ang umano’y “unrestricted at massive” hiring ng mga empleyado sa ilalim ng Contract Of Service na pinaglaanan ng P70.6 na milyon.
Ang halaga naturang aniyang ito ay maaari pa sanang magamit sa iba pang programa o proyekto ng gobyerno.