Dismayado ang isang grupo ng mga doktor sa paghawak ng gobyerno sa COVID-19 pandemic
Sa gitna na rin ito nang muling pagdagsa ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa mga ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Pcp Philippine College of Physicians, nakadudurog ng puso ang pagdating sa puntong pumipili na ang health workers kung sino sa mga pasyente partikular sa mga ospital sa Laguna at Cebu ang bibigyan ng respirators.
Sinabi pa ni Limpin na iba ang tunay na sitwasyon sa inilalabas na bulletin ng DOH hinggil sa ICU at ward beds occupancy rate.
Binigyang-diin ni Limpin na ang sitwasyon ngayon ay dapat magsilbing wake-up call sa gobyerno para palakasin pa at pag-igihan ang pagtugon sa pandemya upang maisalba pa ang health care system ng bansa at hindi matulad sa India ang kondisyon ng bansa sa pagsipa ng kaso ng delta variant.