Mananatiling suspendido ang operasyon ng mga gaming schemes na pinatatakbo ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ito ang inihayag ng Malakanyang hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa umano’y talamak na kurapsyon sa ahensiya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malalimang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng umano’y nagpapatuloy na katiwalian sa PCSO.
Pagtitiyak pa ni Panelo, hindi maaapektuhan ng pagsasara ng mga gaming activities ng PCSO ang mga ibinibigay na medical assistance sa mga mahihirapan at iba pang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.