Kusang nagbitiw sa kanyang posisyon si dating General Manager Alexander Balutan ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
PCSO GM Alexander Balutan resigns @dwiz882 pic.twitter.com/6Jpt8nC5CA
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 8, 2019
Ito ang paglilinaw ng PCSO sa ipinadala nilang text message sa DWIZ.
Ayon kay Florante Solmerin, spokesman sa Office of PCSO General Manager, personal ang dahilan ng pagbibitiw ni Balutan.
Tumanggi naman si Solmerin na magbigay ng reaksyon sa report na pinagbitiw ng Pangulong Rodrigo Duterte si Balutan dahil umano sa katiwalian.
Si Balutan ay matatandaang dating marine officer na naging testigo sa imbestigasyon ng senado hinggil sa mga katiwalian sa Armed Forces of the Philippines nuong Arroyo administration.
with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Palasyo kinumpirma na sinibak ng Pangulong Duterte si Balutan
Kinumpirma ng Malakanyang na sinibak ng Pangulong Rodrigo Duterte si General Manager Alexander Balutan ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyadong seryoso ang mga alegasyon ng katiwalian laban kay balutan kayat sinibak ito ng pangulo.
Sinabi ni Panelo na dapat magsilbing babala ito sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na walang matatawag na sacred cow sa administrasyong Duterte.
Kabilang di umano sa mga akusasyon laban kay balutan ang illegal solicitation at pag-sub contract ng mga prangkisa at operasyon ng small town lottery.