Bukas para sa mga miyembro ng Senate Committee on games and amusements na bisitahin at obserbahan ang pre-draw lottery preparation.
Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ito ang pinakamabuting paraan upang mabura ang anumang pagdududa tungkol sa resulta ng lotto.
Matatandaang binatikos ng mga netizens ang pcso dahil sa paggamit nito ng edited na larawan ng isang bettor na nag-claim ng P43 million jackpot sa lotto 6/42 draw na syang paksa sa pagdinig kamakailan sa senado.