Tinatayang nasa P1-M ang ipinagkaloob ng Philippine Chairty Swepstakes Office (PCSO) sa mga biktima ng lindol sa Cotabato at Davao Del Sur.
Ayon kay Kiblawan, Davao Del Sur Mayor Carl Jason Rama, dahil sa tulong ng PCSO mabibigyan ng tig P3,000 cash assistance ang mga survivor ng lindol para sa kanilang house repair habang tig P5,000 naman para sa nawalan ng tahanan.
Bukod sa cash gift mula sa PCSO, magbibigay naman ang local government unit ng P40,000 hanggang P50,000 para sa mga barangay na apektado ng lindol.
Isinasaayos na rin ang pagtu-turn over ng mga housing unit para sa mga residenteng nakatira sa landslide prone areas.