Nagpasya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ilaan na lang sa pagtulong sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad sa bansa ang gastos na dapat sana ay para sa kanilang Christmas party.
Ayon kay PCSO Vice Chairperson at Gen. Manager Royina Garma, bagama’t nakatulong na ang ahensya sa mga biktima ng kalamidad, naniniwala silang kulang pa rin ito at marami pa ang nangangailang ng tulong.
Dahil dito aniya ay napagdesisyunan na lang nila na ibahagi ang pondo para sa kanilang Christmas party na gaganapin sana sa December 20 sa PICC.
Una nang nakapag donate ang PCSO ng mahigit apat na milyong piso sa 15 munisipalidad sa Cagayan at iba pang rehiyong tinaman ng bagyong ‘Quiel’ at ‘Tisoy’.
Magugunitang naging kontrobersyal noon ang 2017 Christmas party ng PCSO matapos ibunyag ni dating PCSO board member Sandra Cam ang pagiging magarbo nito kung saan gumastos umano ng anim na milyong piso.