Pansamantalang sinuspinde ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office ang pagbebenta ng mga lotto tickets simula sa Abril 13, Huwebes Santo hanggang Abril 16, Linggo ng pagkabuhay.
Ito’y ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Alexander Balutan ay bilang pakikiisa ng PCSO sa paggunita ng sangka-kristiyanuhan sa Semana Santa.
Binigyang diin pa ni Balutan, layon din nito na bigyang pagkakataon ang kanilang mga lotto agents na gunitain sa kani-kanilang mga paraan ang mga mahal na araw.
Kasunod nito, nagpasalamat naman si Balutan sa publiko dahil sa patuloy na pagtangkilik sa PCSO lotto at iba pang mga laro na kumakalap ng pondo para sa kanilang mga charity programs.
Muling magbabalik sa normal ang operasyon ng mga lotto outlets gayundin ang pagpapatuloy ng lotto draws sa Lunes, Abril 17.
By: Jaymark Dagala