Makapagbibigay ng kita sa pamahalaan kung gagawing online ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagtataya sa lotto.
Ito ang paniniwala ni house ways and means committee chair Congressman Joey Salceda kasabay ng pakikipag-usap niya sa Finance Department para masingil ang buwis ng mga online games kabilang na rito ang kilalang e-sabong.
Ayon kay Salceda, kung pagbabatayan ang naging pag-uusap nila sa mga industry players sa digital gaming sector, tumaas aniya ang kita ng mga ito dahil sa loob lamang ng kabahayan ang maraming Pilipino sa gitna ng quarantine protocols sa bansa.
Kasunod nito, umaasa ang mambabatas na magpapasa ng kahalintulad na panukala ang Mataas na Kapulungan ng Senado.
Sa huli, tiniyak ni Salceda na nakahanda ang kanyang komite na makipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para mapataas ang kita ito at masuportahan ang pagpopondo sa Universal Health Care.