Naglaan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P38-M na medical assistance para sa mahigit 4,000 marginalized Filipinos na kasalukuyang nasa ospital.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, patuloy ang ginagawa nilang pagtulong sa mga ‘nasa laylayan ng lipunan’ o ang mga walang kakayahang makapagbayad ng hospital bills.
Aabot sa P4.4 milyon ang ibinuhos ng PCSO sa National Capital Region (NCR), P9 milyon sa Southern Tagalog at Bicol Region, P12 milyon sa Northern at Central Luzon, P8 milyon sa Visayas at P5-M sa Mindanao mula Abril 20 hanggang Abril 24.
Sinabi ni Garma na handang tulungan ng PCSO ang mga Pinoy lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).